Bahagi na ng kaugalian ng mga Pilipino ang”pagsa-sharon” o pagbabalot ng mga pagkain sa mga handaan.
Ito ang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang lingguhang vlog kung saan tinalakay nito ang mayamang kultura ng mga Pilipino sa pagkain at pagluluto.
Ayon sa pangulo, karaniwan na para sa mga Pilipino ang mag-uwi ng mga natirang pagkain sa isang okasyon na nagpapakita rin ng pagiging hospitable ng mga Pilipino.
Samantala, ibinahagi rin ng pangulo na hinahanap-hanap niya ang pagkaing Pinoy na balut na natutunan niyang kainin noong bata pa siya.
Ibinida rin ng pangulo ang sinigang na ika-97th na best dishes at ang lumpiang Shanghai na ika-93 sa best street food base sa listahan ng online site na TasteAtlas.
Facebook Comments