Imumungkahi ng Department of the Interior & Local Government (DILG) ang pagsasabit sa leeg ng vaccination card.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi DILG Usec. for Brgy. Affairs Martin Diño, na inirekumenda na nila sa Inter-Agent Task Force (IATF) na obligahin ang publiko na isabit sa kanilang leeg tulad ng ID ang kanilang vaccination cards sa tuwing lalabas ng bahay.
Ayon kay Usec. Dìño, paraan ito upang malaman kung bakunado o hindi ang isang indibidwal.
Aniya, makatutulong din ito para hindi na maabala pa sa pagtatanong o pagsita ng mga otoridad.
Sa ilalim kasi ng Alert level 4, kailangang bakunado ang sinumang gustong mag-dine in sa mga restaurant, mag-avail ng barbershop at salon at maging sa pagsisimba ang papayagan lamang na makapasok sa loob ay yung mga bakunado.