Your message has been sent
Your message has been sent
Isang malakas na pagsabog, na sinundan ng mga pagputok, ang gumulantang sa mga residente ng Brgy. Tebeng, Dagupan City, kahapon.
Ayon kay Barangay Captain Mark Fiel Gomez, nagulat na lamang sila sa nangyari at nang puntahan ang pinagmulan ng pagsabog ay natuklasan nila ang iligal na pagawaan ng paputok sa loob ng isang private compound.
Nagdulot ito ng pagkasira ng ilang mga kagamitan sa mga kalapit na bahay, tulad na lamang ng residenteng si Mark Macaoay na hindi maipinta ang mukha matapos ang sinapit ng ilan sa kanilang kagamitan dahil sa pagsabog.
May paalala naman ang kapitan sa mga residente ukol sa pagsasagawa ng ganitong klase ng gawain nang walang pahintulot mula sa mga kinauukulan.
Agad namang inapula ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection Dagupan ang idinulot ng pagsabog habang nagsasagawa na rin ng malalimang imbestigasyon ang hanay ng Dagupan City Police ukol sa naganap na insidente.
Sa pahayag ng alkalde ng lungsod, mahigpit na ipinagbabawal ang mga pagawaan ng paputok nang walang kaukulang permiso mula sa mga awtoridad.









