Nanawagan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa publiko na manatiling naka-alerto sa banta ng posibleng pagsabog muli ng Bulkang Taal matapos ang huling eruption nito noong nakaraang taon.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, kung titingnan ang kasaysayan nagkaroon ng malakas na pagsabog ang Bulkang Taal noong 1965 at tuluy-tuloy ang aktibidad nito hanggang 1970.
Palagi aniyang iniisip ng mga tao na kapag sumabog ang isang bulkan ay aabutin pa ng ilang taon bago ang kasunod nitong pagsabog.
Paalala ni Solidum na nasa Alert Level 1 ang bulkan at mataas ang posibilidad na magkaroon ng steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at paglalabas ng volcanic gas.
Ang Taal Volcano Island ay ikinokonsiderang Permanent Danger Zone (PDZ) at idineklarang “no man’s land.”