Pagsabog ng Chopper ng Phil. Air Force sa Isabela, Inaalam ang dahilan ng insidente

Cauayan City, Isabela- Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente ng pagsabog bandang alas-7:10 ngayong gabi ng isang chopper ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force na may tail number na 8303.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may sakay itong dalawang piloto, dalawang crew at isang backride ng mangyari ang pagsabog.

Dagdag pa sa report, patake-off na sana ang chopper nang aksidenteng bumagsak na agad sumabog sa ramp area ng TOG2.


Natagpuan naman sa mismong loob ng chopper ang dalawang katawan ng hindi pa matukoy na mga biktima habang pinaghahanap ang dalawang iba pa.

Isinugod naman sa pagamutan ang isang crew na nagtamo ng sugat sa ilang bahagi ng kanyang katawan para sa mabigyan ng kaukulang lunas.

Inaalam naman ang dahilan ng nangyaring pagsabog sa chopper.



Facebook Comments