PAGSABOG NG USED OIL TANK, SANHI NG SUNOG SA URDANETA CITY

Sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Pedro T Orata, Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sumabog umano ang tangke na naglalaman ng used oil habang nagluluto ang tenant bandang alas tres pasado ng hapon na posibleng pinagmulan ng apoy.

Naapula ang apoy makalipas ang isang oras.

Nagtamo naman ng sugat at paso sa katawan ang biktima at agad nadala sa pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy at kabuuang danyos sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments