Pagsabog sa Bilibid kanina, pinaiimbestigahan na

297

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang nangyaring pagsabog kanina sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Inatasan din ni Secretary Guevarra si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na magsumite ng written report sa kanya kaugnay ng kanilang gagawing imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).


Pasado alas diyes kaninang umaga nang mabulabog ng pagsabog ang kubol sa Quadrant 4 ng Maximum Security Compound ng NBP.

Ayon kay BuCor spokesman Major Alberto Tapiru, isang improvised explosive device (IED) ang narinig sa hilera ng mga kubol ng ISIS, Abu Sayyaf, Maute at Jemaa Islamiyah.

Wala namang nasugatan sa insidente dahil wala nang inmates na nakatira sa lugar dahil nailipat na sila sa South Quadrant 3.

Nakaambang na kase ang pag-demolish sa naturang quadrant matapos gibain ang Quadrant 1.

Hindi pa tukoy kung kaninong grupo ang kubol na mayroong IED.

Facebook Comments

From Advertisers