Pagsabog sa Dimaporo Stadium sa MSU, Marawi, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni Lanao del Norte 1st District Rep. Khalid Dimaporo ang pambobomba sa Dimaporo Stadium sa Mindanao State University sa Marawi habang ginaganap ang isang banal na misa nitong December 3.

Sa House Resolution 1508 na inihain ni Dimaporo ay ipinunto na ang isang academic institution, tulad ng MSU, ay dapat ligtas na lugar base na rin sa aral na iniwan ng Marawi siege.

Layunin ng pagdinig na matukoy kung nagkaroon ng lapses o pagkukulang sa security at intelligence service na sana ay nakatulong para pigilan ang ganitong insidente.


Target din ng pagdinig na makapaglalatag ng hakbang upang hindi na maulit ang insidente na isang banta sa kapayapaan sa Mindanao.

Facebook Comments