Pagsabog sa Indanan sa Sulu, suicide bomber ang may pakana

Buo ang paniniwala ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa isang Military Camp sa Brgy. Tanjung, Indanan, Sulu.

Sa pagsabog 8 ang namatay 3 sundalo, 3 sibilyan at 2 umanoy suicide bombers.

Ayon sa kalihim, malinaw na suicide bombing ang nangyari dahil bitbit ng dalawang nasawing suspek ang pinasabog na bomba sa bisinidad ng Military Camp.


Ang isa sa mga suspek aniya ay kumatok pa raw sa gate ng kampo at nang lapitan ng bantay na sundalo para alamin ang kanyang kailangan  saka sumabog ang bomba kaya namatay rin sa pagsabog ang suspek.

Ibig sabihin aniya nito tumataas ang level of extremism sa bansa kaya kailangan nilang magpursige pa para mapigilan ang mga plano pang  pambobomba.

Ang insidente sa Indanan ang ikatlong suicide bombing cases sa bansa.

Makikipagusap aniya sila sa mga Commander sa ground, sa mga Traditional Leaders, sa mga Sultan at Datus lalo na sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao.

Naniniwala si Lorenzana na ayaw rin ng mga lider na ito ang mga gulo sa BARRM katulad ng pambobomba.

Facebook Comments