Isasama ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nangyaring pagsabog sa Indanan, Sulu sa magiging evaluation kung palalawigin ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo – mas maraming pag-atake at pambobomba ang mangyayari kung walang umiiral na batas militar sa Mindanao.
Mula noong 2017, isinailalim na sa martial law ang rehiyon kasunod ng pag-atake ng teroristang groupong Maute sa Marawi City.
Ang martial law ay magtatagal hanggang December 31, 2019.
Facebook Comments