Mariing kinondena ni Senator Ronald Bato dela Rosa na sa gitna ng pandemya ay isinagawa ang pagsabog sa Jolo, Sulu na aniya’y sapat na patunay sa pangangailangang maipatupad ang Anti-Terrorism Law.
Dahil sa insidente ay umaasa si dela Rosa na mas magiging matimbang sa mga komokontra sa batas ang totoo, malinaw at panganib na dala ng terorismo kumpara sa kanilang hinala sa maaring hakbang ng gobyerno sa mga kritiko.
Diin pa ni dela Rosa, hamon din sa mga human rights advocates na kondenahin ang ganitong terroristic act at huwag magtuon lamang sa maling aksyon ng iilang miyembro ng militar at pulisya.
Nangangamba si dela Rosa na ang ganitong malagim na pangyayari ay makarating din sa Metro Manila dahil may mga intelligence report na ang mga anak ng namatay na Abu Sayyaf Members ay kinupkop ng grupo at nira-radicalize para maging suicide bombers.