Pagsabog sa London, kinondena ng palasyo

40

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang pinaka bagong pagatake ng mga terorista sa London kung saan nasugatan ang ilang tao matapos magpasabog malapit sa Paraons Green Station sa Southwest London.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng Embahada ng pilipinas sa london sa mga kababayan nating naninirahan doon.

Nanawagan narin naman aniya ang ating embahada sa Filipino community na manatiling kalmado at maging mapag matiyag sa kanilang kapaligiran.

Sinabi din ni Abella na wala namang pilipinong nasaktan sa nasabing pagsabog.

Nagpaabot naman ng dasal ang Malacañang sa mga biktima at umaasa sa kanimang mabilis na recovery.

Matatandaan na inako ng teroristang ISIS ang pagsabog sa nasabing lugar.

Facebook Comments