Pagsabog sa metro station sa Russia, isang uri ng terorismo ayon kay Russian Prime Minister Dmitri Medvedev

Manila, Philippines – Tinawag ni Russian Prime Minister DmitryMedvedev ang naganap na pagsabog sa metro station sa St. Petersburg, bilang“terrorist act”.

 

Ito’y matapos na pumalo na sa 11 katao ang patay habang mayroong39 iba pa ang sugatan na kasalukuyang nasa pagamutan.

 Hindi pa malaman ang explosive device ang pinasabog nghindi pa kilalang mga suspek.


 

Naganap ito sa train car na dumaan sa tunnel kung saan mataposang insidente ay agad na isinara ang lahat ng serbisyo ng train stations.

 

Nakita pa ng mga otoridad ang pangalawang device na kanilangna-diffuse.

 

Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang grupo na nasa likodng insidente.

 

Facebook Comments