Nais ng ilang kongresista na sagutin ng philippine health insurance corporation o PhilHealth ang pagpapa-ospital at mga gamot para sa mga biktima ng kalamidad na tinamaan ng leptospirosis at tetanus.
Nakapaloob ito sa resolusyon na planong ihain nina ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelun tulfo, kasama sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Representative Ralph Tulfo.
Ayon kay Congressman Erwin Tulfo, karamihan sa mga biktima ng kalamidad – tulad ng bagyo, baha at sunog ay nawalan o nasira ang mga bahay at kagamitan at problemado maging sa pambili ng kanilang pagkain.
Kaya naman diin ni Tulfo, sa gitna ng hirap na nararansan ay napakalaking tulong kung sasagutin ng Philhealth ang pagpapagamot nila para sa leptospirosis at tetanus.