Pagsagot sa mga mambabatas ni Pharmally director Linconn Ong, mailap pa rin

Mailap pa rin ang paraan ng pagsagot ni Pharmally director Linconn Ong sa mga tanong ng mambabatas sa ika-10 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Bagama’t inamin ni Ong na tinulungan sila sa pinansiyal na pangangailangan ni Michael Yang pagdating sa supplies ng PPE at BGI testing kits ay hindi na sinagot ni Ong ang iba pang katanungan ng mga mambabatas.

Sa pag-usisa ni Senator Franklin Drilon kung magkano ang naging loan o perang naibigay sa Pharmally ni Yang, ang Non-Disclosure Agreement (NDA) sa pagitan nila ng dating presidential economic adviser ang naging depensa ni Ong.


Sa tanong kung kailan pinirmahan ang NDA ay muling iginiit ni Ong ang kaniyang right against self incrimination.

Dahil dito, sinabi ni Drilon na mayroong basehan na patuloy na madetine si Ong dahil sa patuloy na pagtanggi nito sa mga katanungan kahit hindi maituturing na self incriminatory.

Facebook Comments