Napapanahon na at matagal ng isinusulong ang pagsahod ng mga SK officials na katuwang ng kanilang SK Chairman.
Sa naging panayam ng ifm dagupan kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sinabi nito na noon pa man ay gusto ng magkaroon ng sahod ang mga Sangguniang Kabataan Officials sapagkat nagpapagod din ang mga ito para sa ilang proyekto.
Ikinatuwa nito ang naging hakbang ng Senado na ipasa na ang nasabing panukalang batas kung saan ayon sa Diño ay may sapat na pondo naman para dito.
Ang SK treasurer aniya ang may pinaka madaming trabaho subalit ito ay hindi naman sumasahod kung kaya’t nararapat lang aniya ang mga ito ay bigyan ng kompensasyon.
Facebook Comments