Pagsailalim ni Liza Diño sa in vitro fertilization, ipinagpaliban muna dahil sa trabaho

Manila, Philippines – Ipinagpaliban muna ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño ang planong pagkakaroon ng anak sa Hunyo.

Ito ay dahil sa dami ng aktibidad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong taon na pinamumunuan ni Diño.

Ngayong 2019 kasi ipinagdiriwang ang ika-100 taon ng industriya ng pagpepelikula sa Pilipinas.


Ayon kay Diño, sa Disyembre na lamang nila itutuloy ang proseso ng “in vitro fertilization”.

Isasagawa ang proseso ng IVF sa Malaysia.

Facebook Comments