Hindi imposible na isailalim na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) sa Disyembre.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naaabot ng NCR ang lahat ng requirement para ibaba ito sa Alert Level 1 sa gitna ng pandemya.
Para maisailalim kasi aniya sa Alert Level, kinakailangang maituring na nasa low-risk classification ang isang lugar sa dalawang incubation periods at may sapat nang vaccine coverage.
Paliwanag pa ni Vergeire na kasama rin sa requirement para sa Alert Level 1 ay ang pagbabakuna sa 70% ng senior citizens at persons with comorbidities, maging ang 50% ng target population.
Sa ngayon aniya ay lahat ng ito ay nakamit na ng NCR pwera na lamang ang 70% vaccination requirement para sa persons with comorbidities.