Pagsailalim sa granular lockdown ng mahigit 100 barangay sa NCR, sisimulan na ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw, September 8 ang pilot testing para sa granular lockdown sa Metro Manila.

Aabot sa 118 barangay sa National Capital Region (NCR) ang nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

89 barangay dito ay nagmula sa Quezon City, 12 sa Caloocan at Malabon, 10 sa Muntinlupa, Taguig at Pateros, tig-7 sa San Juan at Mandaluyong.


Hinihintay naman ng National Task Force Against COVID-19 ang ilalabas na guidelines para sa pagpapatupad ng granular lockdown sa NCR.

Unang iminungkahi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang granular lockdown matapos ang ilang linggong community quarantine para mabuksan muli ang mga negosyo.

Sa ngayon, pinalawig pa ang pagsailalim ng Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang sa September 15.

Ito ay matapos ipagpaliban ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang dapat sanang pagbaba na ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) na magsisimula sana ngayong araw.

Facebook Comments