Pagsailalim sa lifestyle check ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Plant Industry, isinulong sa pagdinig ng Kamara

Isinulong ni Leyte Representative Richard Gomez na isailaim sa lifestyle check ang lahat ng opisyal at empleyado ng Bureau of Plant Industry o BPI.

Ang naturang mosyon ay agad inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon Representative Wilfrido Mark Enverga.

Sa pagdinig ng komite ukol sa hoarding at pagmanipula sa presyo ng sibuyas ay iginiit ni Congressman Gomez na layunin ng “lifestyle check” malaman kung akma o balanse sa sweldo ng mga taga-BPI ang “hobby” o pinagkaka-abalahan nila gayundin ang kanilang mga bahay o ari-arian.


Ang rekomendasyon ni Gomez ay nag-ugat sa hinala na posibleng may kapalit ang pagpayag ng mga taga-BPI na umangkat ng sibuyas kahit sa panahon ng anihan.

Facebook Comments