Pagsailalim sa Negros Island sa iisang rehiyon, mas makagagaan sa mga Negrense ayon kay PBBM

Inaasahang makakagaan sa mga Negrense ang pagsasama sa iisang rehiyon ng mga lalawigan ng Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos lagdaan bilang batas ang Negros Island Region Act o RA 12000.

Ayon sa pangulo, praktikal daw na pagsamahin sa iisang rehiyon ang mga lalawigan para sa madaling pag-access ng mga Negrense sa serbisyo ng gobyerno.


Hindi aniya kagaya ngayon na kailangan pang magtawid-dagat at gumastos tuwing pupunta sa regional centers ng ibang isla.

Hindi rin pantay ang paglago ng dalawang probinsya at hindi pareho ang pagpopondo dahil naghahati sila sa parehong natural resources at mga industriyang gaya ng asukal, turismo at renewable energy.

Pero dahil sa bisa ng bagong batas, kumpiyansa si Pangulong Marcos na lalago pa ang rehiyon at magiging mas epektibo at episyente ang paghahatid ng serbisyo.

Facebook Comments