Pagsailalim sa RT-PCR test ng mga dadalo sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, makatutulong para hindi maging superspreader event ang okasyon ayon sa OCTA research

Kumbinsido si OCTA Research fellow Dr. Guido David na mas maiging obligahin ang lahat ng dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na sumailalim sa RT-PCR test.

Ito aniya ay para masiguro na hindi magiging superspreader event ang SONA lalo’t may pagtaas pa ng COVID-19 cases.

Sinabi ni David, mayroon talagang risks ng pagkakahawaan tuwing mayroong gatherings o mga pagtitipon.


Naniniwala si David na ikukunsidera ng mga komiteng in-charge sa SONA protocols ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga bisita at mismong ng pangulo.

Isang daang porsyento ng capacity ng plenary hall ng Batasang Pambansa ang papayagan sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Facebook Comments