Pagsaklaw sa middle class sa dapat mabigyan ng cash assistance, sinuportahan ng mga senador

Kinatigan nina Senators Christopher “Bong” Go at Francis “Kiko” Pangilinan ang mungkahing isama ang middle class sa bibigyan ng cash assistance ng gobyerno ngayong may COVID-19 crisis.

Paliwanag ni Go, maraming mga Pilipino na may mga trabaho at hindi kasama sa poorest of the poor pero kailangan din ng tulong.

Ipinaliwanag ni Go na bagamat may trabaho ay walang gaanong savings ang mga ito pero malaki ang kontribusyon nila sa buwis at tulong sa pagbuhay ng ekonomiya kaya hindi sila dapat pabayaan.


Katwiran naman ni Pangilinan, maraming nasa middle class ang kaunti lang ang iniangat sa mahihirap at ngayon ay nagdurusa rin sila dahil hindi makapag-hanapbuhay dahil sa ipinatutupad na lockdown.

Naniniwala si Pangilinan, na may mapagkukunan ng pondo ang pamahalaan para maisama ang middle class sa mga pagkakalooban ng tulong pinansyal.

Facebook Comments