Iginiit ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Research and Development (DOST-PCHRD) na “crucial” ang pagsali ng bansa sa mga isinasagawang clinical trials para sa COVID-19 vaccines.
Ito ang pahayag ng tanggapan sa harap ng pag-usbong ng mga bagong COVID-19 variants kabilang ang Brazilian variant, UK variant at South African variant.
Ayon kay DOST-PCHRD Executive Director Dr. Jaime Montoya, importanteng ma-improve ang bisa ng mga bakuna lalo na at maraming natutukoy na variants ng virus.
Nagbibigay ang clinical vaccine trials ng efficacy at safety data para sa mga bakuna.
Paglilinaw ni Dr. Montoya na ang clinical trials ay hindi vaccination programs.
Tatlong vaccine developers ang nabigyan ng go-signal para magsagawa ng Phase 3 trials sa bansa – ito ay ang Clover Pharmaceuticals, Sinovac Biotech at Janssen Pharmaceuticals.