Pagsalpok ng Motorsiklo sa Kasalubong na Sasakyan sa Naguilian, Isabela, 2 Sugatan!

31

*Naguilian, Isabela-* Sugatan ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos salpukin ang kasalubong na Ten wheeler Freezer van pasado alas tres kaninang madaling araw sa brgy Palattao, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang suspek at driver ng ten wheeler na si Rhyan Asuncion, 32 anyos, binata at residente ng brgy Rizal, Alicia, Isabela habang ang mga biktima ay sina Patrick Lamire, 34 anyos, binata at ang kanyang studyanteng backrider na si Mark AnJohn Carbonel, 16 anyos at pawang mga residente ng brgy. Magsaysay, naguilian, Isabela.

Sa nakuhang im pormasyon ng RMN Cauayan, magkasalungat na binabaybay nina Lamire at Asuncion ang kahabaan ng brgy Palattao nang umiwas si Lamire sa kasunod na ‘kariton’ at nawalan umano ito ng control sa handle bar kaya’t nabangga nito ang kasalubong na ten wheeler.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan si Lamire habang maswerte namang hindi nasugatan ang angkas na si Carbonel.

Naa kostudiya na ng PNP Naguilian ang suspek maging mga sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments