Daang libong mga mananampalatayang Islam sa Central Mindanao ang nakiisa sa isinagawang congregational prayer mula sa ibat ibang lugar kasabay ng pagdiriwang ng Eidl Fitr o pagtatapos ng buwan ng Ramadan.
Sa Cotabato City, dinagsa ng mga mananampalataya ang pinakamalaking mosque sa buong bansa, ang grand mosue, peoples palace ground, ARMM Ground, at Cotabato City Central Pilot School. Matapos ang Sambayang o Eidl Fitr Prayer sama samang nagsalo- salo ang mga ito sa isang Kanduli o Thanksgiving Breakfast.
Sa bayan ng Pikit sa North Cotabato, kabilang si Mayor Sumulong Sultan sa dumalo sa religious activity na isinagawa sa Plaza ng bayan. Ang bayan ng Pikit ay isa sa may pinakamaraming residenteng mananampalayang Islam sa lalawigan.
Samantala nagpaabot naman ng kanilang mensahe ng Kapayapaan ang mga pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front, Western Mindanao Command, 6th ID, ARMM at mga LGU.
Umaasa naman si Grand Mufti Abu Hurairah Udasan sa lahat na ipiagdiwang ng makabuluhan ang Eidl Fitr.
Kaugnay nito, naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong at pagdiriwang ng Eidl Fitr sa Central Mindanao.
PICS: Nas Gayagay of PIKIT LGU