Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang lokal ng Cotabato City para sa pagsalubong sa Year of the Earth Dog sa darating na Biyernes, Pebrero 16. Sa ika-walong taon nitong pagdiriwang ng Chinese New Year, ang city government of Cotabato ay magsasagawa ng culinary showdown kung saan itatampok ang pagluluto ng Chinese cuisines.
Magkakaroon din ng singing at dancing competition, itatampok din dito ang mga awitin at sayaw ng mga Chinese na ipapamalas ng ilang estudyante.
Magsasagawa ng simpleng programa na dadaluhan ng Chinese Cotabateños na pangungunhan ni mayor Atty. Frances Cynthia Guiani na may dugo ring Tsino. Ang selebrasyon na gaganapin sa People’s Palace sa February 15, 2018 ay bukas sa lahat ng Cotabateños.
Ang pagdiriwang ay simpleng paraan ng pagpapasalamat sa Chinese comunity sa syudad sa mga naging ambag nila sa patuloy na paglago ng Cotabato city lalo na sa usapin ng ekonomiya.
Pagsalubong ng Chinese New Year, pinaghahandaan na sa Cotabato city!
Facebook Comments