Pagsalubong ng kapaskuhan, tinawag na ‘generally peaceful’ ng Philippine National Police

70

Tinawag na ‘generally peaceful’ o mapayapa ng Philippine National Police (PNP) ang pagsalubong ng kapaskuhan sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na mensahe ni PNP Chief Police General Debold Sinas, nagpasalamat ito sa mga lokal na pamahalaan dahil naging mapayapa ang pagdaraos ng tradisyunal na simbang gabi sa loob ng siyam na araw.


Bukod pa rito, nagpapasalamat din si Sinas sa pagsunod ng mga dumalo sa simbang gabi sa ipinatutupad na health protocols kontra COVID-19.

Sa ngayon, tiniyak ni Sinas na mananatiling naka-full alert ang buong pwersa ng kapulisan para mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa ngayong holiday season.

Facebook Comments