PAGSALUBONG SA BAGONG TAON | 2 designated areas para sa paputok, pinangalanan ng lokal ng Valenzuela

Valenzuela City – Valenzuela City, nagtakda lamang ng mga lugar na maaaring gumamit ng paputok.
Sa ilalim ng Executive Order no. 279 series of 2017 ng Pamahalang lungsod ng Valenzuela, itinatakda ang

1.) Polo Park sa Barangay Poblacion at
2.) CJ Santos Street sa Barangay Malinta.

Bilang mga designated areas kung saan lamang pwedeng gumamit ng paputok.


Bukod sa dalawang nabanggit na lugar, hindi na maaari pang gumamit ng ano mang uri pyrotechnic devices.

Muli ring nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaputok sa bisinidad ng City Hall at People’s Park.

Ang ordinansa ay alinsunod sa Executive Order no. 28, na una nang nilagdaan ng Pangulo noong Hulyo kung saan nilimitahan ang paggamit ng pyrotechnic devices.

Sa lungsod ng Valenzuela, ang mga Barangay Officials ang naatasan na magbantay para implementasyon nito.

Facebook Comments