Naging mapayapa ang pagsalubong ng bagong taon sa mga kulungan.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral, walang naitalang insidente sa loob ng mga piitan.
Binati rin ni Iral ang mga Jail Officer na nagdiwang ng bagong taon sa mga kulungan para magbantay at tumugon sa pangangailangan ng Persons Deprived of Liberty (PDL) at kani-Kanilang Bisita.
Ipinag-utos ng BJMP sa lahat ng Regional Director ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa lahat ng piitan para maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente sa kasagsagan ng holiday season.
Itinaas pa ang lahat ng Jail Unit sa Red Alert Status para matiyak ang kaayusan sa pagsalubong ng bagong taon.
Facebook Comments