PAGSALUBONG SA BAGONG TAON SA SAN NICOLAS, NAGING MAPAYAPA

Walang naitalang kaso ng firecracker-related incidents sa bayan ng San Nicolas sa pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon sa tanggapan, nanatiling maayos at tahimik ang selebrasyon sa iba’t ibang barangay, bunga ng pinaigting na kampanya laban sa paggamit ng paputok.

Bukod dito, malaki ang naging papel ng aktibong pakikipagtulungan ng mga barangay at iba pang ahensya maging ang mga residente.

Sa tala naman ng lokal na pamahalaan, mas pinili umano ng karamihan ng mga residente na magdiwang ng ligtas.

Kabilang dito ang community gatherings, unting pailaw at fireworks na inorganisa ng pamahalaang bayan sa halip sa gumamit ng mga maiingay na paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments