Pagsalubong sa taong 2020, generally peaceful

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay PNP Spokesman, Brig/Gen. Bernard Banac, ikinatuwa nila ang pakiikiisa ng publiko na umiwas sa paggamit ng paputok at pagpapaputok ng baril.

Sinabi rin ni Banac na ang taong 2019 ang “safest” at “most uneventful observance” dahil walang nasawi sa kasagsagan ng Pasko at bagong taon.


Sa huling datos ng PNP, nasa kabuuang 324 holiday-incidents ang naitala sa buong bansa kabilang ang stray bullet at illegal discharge of firearms simula December 16, 2019.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 798 na kaso noong nakaraang taon.

Facebook Comments