Pagsaludo ni Radyoman sa bayani ng bayan ni Juan

Kahit inaabot ng isa’t kalahating oras sa paglalakad, hindi kailanman napagod na pumasok sa kanyang trabaho si Avhel Borja.

Si Borja na isang merchandiser sa isang supermarket sa Parañaque City ay isa sa mga itinuturing na frontliners sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Bagama’t nagpapasalamat siyang hindi nawalan ng hanapbuhay simula nang magpatupad ng lockdown, aminado si Borja na araw-araw niyang bitbit ang pangambang mahawaan ng virus at mailipat ito sa inuuwian niyang pamilya.


“Pagdating ko ng bahay, humihingi muna ako ng alcohol, tubig, naghuhugas muna ako ng kamay tapos nagpapahinga muna ako ng mga 5 to 10 minutes bago pumasok. Tapos ‘yong mga dala kong gamit, pinapa-sprayan ko muna para sigurado,” ani Borja.

Tulad ni Borja, malaki ang ginagampanang papel ng mga kababayan nating nagta-trabaho sa mga supermarket at grocery stores para masigurong may mabibiling pagkain at iba pang basic goods and necessities ang mga tao.

Facebook Comments