Pagsama kay Espenido sa Narco list, patunay na walang sinisino ang war on drugs

Binigyang diin ni Senator Christopher Bong Go na walang sinisino ang gobyerno pagdating sa laban sa illegal drugs.

Ayon kay Go, patunay nito ang pagkasama ni Police Lieutenant Colonel Jovie  Espenido sa mga iniimbestigahan dahil sa pagkakasangkot umano sa illegal drug operation sa bansa.

Ayon kay Go, ibinigay nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang tiwala sa Philippine National Police pero kaakibat nito ang responsibilidad na pananagutan nila anuman ang kanilang gawing mabuti o masama habang nasa puwesto.


Nilinaw naman ni Go na base sa pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ay dadaan pa sa validation ang alegasyon kay Espenido at iba pang police officials na idinadawit sa illegal drugs.

Si Espenido ang siyang nanguna sa ilang anti-illegal drug operations gaya ng pag-neutralize kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na kapwa sinasabing malaking isda sa illegal drug trade.

Facebook Comments