Pagsama ng mga bata sa malls, status quo muna ayon sa MMC

Balik Inter-Agency Task Force (IATF) ang usapin ng age restrictions sa mga bata na pupunta sa malls sa National Capital Region (NCR).

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Usec. Jonathan Malaya na lumabas sa pulong kahapon ng Metro Manila mayors na wala pang naging desisyon hinggil sa bagay na ito.

Sa halip, inendorso sa IATF ng mga mayor sa Metro Manila ang pagpapalabas ng patakaran hinggil sa pagpayag na maisama sa malls ang mga bata o limitahan ang edad na papayagang makapasok dito.


Ibig sabihin, magiging agenda muli ito sa susunod na pulong ng IATF.

Kaya naman sinabi ni Malaya na status quo muna o walang pagbabago sa patakaran hinggil dito.

Facebook Comments