Pagsama sa election officers sa priority list ng mga babakunahan, pinag-aaralan na rin ng DOH

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang panawagan na maisama ang mga election officers sa mga prayoridad na ngayong mabakunahan kontra COVID-19.

Ginawa ni Health Usec. Myrna Cabotaje ang pahayag kasunod na rin ng kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) na maisama sa prayoridad na mabakunahan ng gobyerno ang mga election officer dahil maituturing din naman silang frontliners.

Ito ay lalo na’t ngayong nasa General Community Quarantine (GCQ) na ulit ang National Capital Region (NCR) at mga karatig na lalawigan na ay balik na rin ulit ang voter registration.


Nitong Abril, nasawi dahil sa COVID-19 ang provincial election supervisor ng Cavite.

Sa ngayon, ang prayoridad pa lamang mabakunahan ay mga nasa A1 hanggang A3 o mga medical frontliner, senior citizen at person with commorbidity.

Facebook Comments