Pagsama sa Estados Unidos sa travel restrictions, aprubado ng Malacañang

Inaprubahan na ng Malacañang na mapasama ang United States sa mga bansang sakop ng travel restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat sa bagong variant ng COVID-19.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi niya maituturing na travel ban ito, kundi travel restrictions lang dahil pinapayagan pa rin ang pagdating ng mga Pilipino.

Ang travel restrictions na pinatupad sa United Kingdom at sa 19 na bansa at teritoryo ay nagbabawal sa mga banyagang makapasok sa Pilipinas hanggang Enero 15, 2021.


Ipinauubaya naman ng Malacañang sa Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglalabas ng guidelines hinggil sa pagkakasama sa US sa mga bansang na may restricted entry.

Facebook Comments