Pagsampa sa 1 milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi na ikinagulat ni Pangulong Duterte

Hindi na nagduda pa si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umabot sa higit isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbalewala ng mga tao sa mga patakaran at batas.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng pagsunod ng publiko sa health protocols at vaccination laban sa COVID-19.


Isa aniya itong “hindi matapos-tapos na istorya” hanggang sa mabakunahan na ang lahat ng mga Pilipino.

Facebook Comments