Pinaburan ng National Task Force to End the Local Communist (NTF-ELCAC) Armed Conflict ang pagsang-ayon ng Mababang Kapulungan ng Kongresso sa Presidential Proclamation na nagkakaloob ng amnestiya sa mga miyembro ng rebeldeng grupo.
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., ang hakbang ay isang malaking hakbang tungo sa pambansang rekonsilasyon at paghilom.
Ito aniya ay testamento sa commitment ng pamahalaan sa peace-building at nation-building.
Sinabi ni Torres na ang Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay kahanay ng holistic approach ng NTF-ELCAC sa pagwawakas ng insurhensya sa bansa.
Umaasa naman si Usec. Torres na tatanggapin ng mga nalalabing miyembro ng kilusang komunista ang alok na amnestiya bilang pagkakataon para magbaba ng armas at magbagong-buhay na.