Pagsangkalan sa 2028 presidential race, diversionary tactic lamang ni VP Sara para umiwas sa isyu ng confidential funds ayon sa Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na nililihis lamang ni Vice President Sara Duterte sa pagiging frontrunner niya sa 2028 presidential race ang dahilan ng pagpuntirya sa kanya ng administrasyon.

Tugon ito ng Palasyo matapos sabihin ni VP Sara na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na manatili sa kapangyarihan kaya isinulong ang impeachment case laban sa kanya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ito ang nais na maging naratibo ng bise presidente.

Pero ang totoo aniya ay diversionary tactics lamang ito patungkol sa kanyang accountability sa confidential funds at iba pang reklamong nakapaloob sa articles of impeachment.

Kaya hamon ni Castro kay VP Sara, harapin na ang mga alegasyon at huwag magtago sa ganitong naratibo.

Facebook Comments