Walang dahilan para maalarma ang mga militanteng grupo sa pagiging miyembro ng Coordinating Council of Private Education Associations (COCOPEA) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, walang basehan ang pahayag ng iba’t ibang grupo na ang hakbang na ito ay panghihimasok sa academic freedom.
Katuwiran ni Malaya, hindi naman porke’t naging kasapi ng NTF-ELCAC ang COCOPEA ay pakikialaman na ang academic freedom.
May karapatan aniya ang mga guro sa pagtuturo at ang karapatan ng mga estudyante sa pagkatuto ay ginagarantiyahan ng Konstitusyon.
Dagdag pa ni Malaya, gusto lang naman ng COCOPEA na maging safe spaces ang mga pribadong paaralan.
Tungkulin aniya ng mga paaralan na tiyaking hindi mapapahamak ang kanilang mga estudyante sa mga sasalihang organisasyon.