Naniniwala ang isang medical adviser na hindi pa kailangang isara ang border ng bansa sa kabila ng banta ng monkeypox.
Sinabi ito ni National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa matapos makapagtala ng kaso ng naturang sakit sa ibang bansa.
Ayon kay Herbosa, hindi naman mystery illness ang monkeypox kagaya nung nag-umpisa ang COVID-19 kung saan napilitang magsara ng borders ang buong mundo.
Dagdag pa ng eksperto, itinuturing na re-emerging infectious disease ang monkeypox matapos itong ma-detect sa Africa noong pang 1958.
Sa kabila nito, patuloy ang pagmomonitor at paghahanda ng bansa laban dito
Mababatid na mayroon nang kaso ng naturang sakit sa England, Portugal, Spain, Sweden, Italy, Belgium, France, Estados Unidos, Canada at sa Australia.