Ikinabahala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang napaulat na pagsuspinde ng Kuwait sa lahat ng uri ng visa para sa mga Pilipino dahil umano sa pag-labag ng Pilipinas sa bilateral labor agreement.
Bunsod nito ay plano ni Speaker Romualdez na ipatawag ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).
Ito ay upang alamin kung ano ang tunay na dahilan ng naturang aksyon ng Kuwait.
Nais malinawan ni Romualdez kung anong parte o portion ng nasabing bilateral agreement ang hindi natin tinupad kung meron man.
Diin ni Romualdez, hindi lang kasi ilang Overseas Filipino Workers ang apektado sa nabanggit na deriktiba ng Kuwait, kundi daan-daang mga Pilipino.
Kaugnay nito ay ipinaalala ni Romualdez ang higit na pagprayoridad sa kaligtasan ng ating mga kababayan.