CAUAYAN CITY- Matapos makaranas ng problema sa basura ang Brgy. Guayabal, nagkaisa ang pamunuan ng nasabing lugar upang ayusin ang suliraning ukol dito.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Daisy Maribbay, nagtalaga siya ng bagong ordinansa na magkaroon ng compost pit bawat tahanan bilang pagtugon sa suliranin sa paghahakot ng basura.
Watch more balita here: BIKTIMA NG SUNOG SA PRIVATE MARKET – CAUAYAN, NAKATANGGAP NG TULONG
Aniya, nararapat na itapon na lamang sa compost pit ang mga diapers at patay na hayop, sa kadahilanang ang mga ito ay nagdudulot ng masangsang na amoy sa mga basurahan.
Dagdag pa nito, humiling ito na sila na lamang ang maghakot at magdala ng kanilang mga basura patungo sa dump site.
Sa ngayon, puspusan naman ang isinasagawang clean up drive ng Barangay tuwing sabado, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar.