Pinaalalahanan ni Senatorial Candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga bagong nagsitapos ng Philippine National Police Academy (PNPA) na isaisip at isapuso ang core values ng akademya upang maayos na mapaglingkuran ang taongbayan.
Paalala ni Eleazar sa “Alab-Kalis” Class of 2022, maraming pagsubok at tukso na madadaanan ang mga ito at marami rin silang kamalain na makikita kaya dapat silang manindigan para sa tama at ipaglaban na ituwid ang mga mali.
Pagdidiin sa mga PNPA graduates ni Eleazar na mahigit 30-taong nagsilbi bilang isang pulis at nagretiro bilang chief PNP, pumasok man ito sa PNP o sa Bureau of Jail Management and Penology o sa Bureau of Fire Protection, iisa ang sukatan ng kanilang performance at ito ay ang tiwala at respeto ng taumbayan.
Payo nito, manatili lamang sa core values ng PNPA at tiyak siyang hindi sila maliligaw ng landas.
kabuuang 229 na kadeta ang nagsipag-tapos sa PNPA noong April 21 sa PNP Academy sa Silang, Cavite na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa nasabing bilang, 206 rito ay papasok ng PNP, 12 sa BFP at 11 sa BJMP.