Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tutukan ang muling pagsasaayos ng sistema sa sektor agrikultura.
Inihayag ito ng pangulo sa kaniyang vlog kahapon.
Sinabi ng pangulo na ito ang rason kung bakit personal niyang pinamumunuan ang Department of Agriculture (DA).
Gusto niya raw kasing matupad ang kaniyang mga pangarap para sa mga Pilipino, una ay ang pangarap niya na kailangang kumita ang mga magsasaka nang sa ganun maengganyo ang susunod pang mga henerasyon na ipagpatuloy ang industriyang ito
Pangalawa magkaroon ng seguridad sa pagkain na hindi na umaasa hangga’t maari sa ibang bansa at pangatlo ay magkaroon ng murang pagkain para sa lahat.
Naniniwala ang pangulo na ito ay hindi niya lang pangarap sa halip pangarap ng bawat Pilipino.
Kaya patuloy niya raw pupursugihin na ibangon ang industriya ng agrikultura.