PAGSASAAYOS NG BARANGAY ROAD SA INMANDUYAN, LAOAC, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang pagsasaayos ng barangay road sa Inmanduyan Laoac, na hinaing ng mga residente dahil sa lubak-lubak at makalat na daan.

Babagtasin sa nasabing daan ang bahagi ng ilog ngunit pinangangambahang magdulot pa ng aksidente lalo sa mga motorista.

Bilang inisyatibo na maisaayos ang naturang bahagi, ipinag-utos ang pagpapatag sa daan upang maging ligtas ang daan kahit pa hindi pa ito sementado.

Samantala, suhestyon naman ng ilang residente ang pagsasakatuparan ng ideyang paglalagay ng bike trail sa Inmanduyan para sa mga siklista na nahihirapang makipagsabayan sa paggamit ng kalsada sa mga mabibilis na sasakyan.

Mungkahi naman ng ilan na gawing konkreto ang mga kalsada at tulay sa naturang barangay na magsisilbing alternate route ng mga residente papunta at pabalik sa town proper. Pinaniniwalaan ng mga residente na makatutulong ang proyekto sa ekonomiya ng bayan.

Kaugnay nito, giit naman ng lokal na pamahalaan ang maagap na pag-aksyon sa pangangailangan ng mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments