Inumpisahan na ang pagsasaayos sa farm to road market sa bayan ng Calasiao, partikular sa Brgy. Banaoang ng nasabing bayan.
Problema na ito na kinakaharap ng mga magsasaka lalo na tuwing umuulan dahil nagiging maputik at pahirapan ito sa halos lahat ng magsasakang dumadaan dito.
Mula naman sa Department of Agriculture ang pinanggalingan ng pondong ginagamit sa pagsasaayos na may kabuuang halaga ng tatlong milyong piso.
Nasa 287 meters ang haba at limang metro naman ang lapad ng nasabing daanan.
Samantala, asahan naman na matatapos na umano ito pagkatapos lamang ng tatlumpu’t dalawang araw o 32 days na magiging kapakipakinabang hindi lamang sa mga magsasaka sa bayan, maging sa mga karatig barangay din. |ifmnews
Facebook Comments