Patuloy na umaarangkada ang programang naglalayong mabigyan ng maayos na tirahan ang mga kapos palad na Dagupenos bilang suporta sa mga apektadong pamilya.
Sa ilalim ng programang Unaen so Mairap Bilay, 121 benepisyaryo mula sa Brgy. Malued at Bonuan Gueset ang may maayos nang natutuluyan sa kasalukuyan.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez, prayoridad sa programa ang mga Dagupeño na walang kakayahang makapagpatayo o makapagpaayos ng bahay na dadaan sa inspeksyon at approval ng City Engineering Office bago mai-refer sa City Social Welfare and Development Office.
Kaugnay nito, iginiit ng alkalde ang mas pinalawig na serbisyo sa iba’t-ibang sektor na ilalapit sa mga residente sa kanyang ikalawang termino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









