Planong magsagawa ng proyektong road elevation at drainage upgrade sa bahagi ng Dior Village sa Barangay Pantal, Dagupan Coty dahil sa matagal ng problema sa baha.
Dahilan pa rin ng malawakang pagbaha sa lungsod ang pagiging catch basin tuwing may kalamidad kaya madalas ang pagbaha sa mga barangay kabilang ang Pantal.
Sa pag-uusap ng City Engineering Office at mga residente, tinukoy na Isa rin sa dahilan ay ang baradong mga drainage kaya hindi umaagos ang tubig baha.
Nakaplano na umano ang paglalaan ng pondo para sa proyekto upang masimulan na agad.
Pinaalalahanan naman ang mga residente na maging responsable sa mga basura at huwag magtatapon sa drainage upang hindi ito bumara dahil isa ito malaking dahilan ng pagbaha na maaaring pagmulan pa ng sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









